-- Advertisements --

Nakatakdang bumalik sa theater acting ang actress na si Nikki Valdez.

Kabilang kasi siya sa Tony-Award winning musical na “Next To Normal” na ipapalabas sa bansa sa Pebrero 2025.

Huling lumabas sa musical ang actress ay noong 2010 sa “The Wedding Singer”.

Nagwagi siya bilang FAMAS Best Supporting Actress sa pagganap nito sa “Family Matters”.

Makakasama niya sa “Next To Normal” ang actress na si Sheila Valderama, Floyd Tena at OJ Mariano.

Ang nasabing musical ay directed ng Sandbox’s managing artistic director Toff de Venecia at musical director na si EJay Yatco.