-- Advertisements --

Nangailangan ng overtime game ang Denver Nuggets bago tuluyang itinumba ang Minnesota Timberwolves, 100-98.

Muli na namang naging bayani si Nikola Jokic upang iligtas ang Denver.

Nito lamang nakalipas na araw si Jokic din ang naging susi sa game-winner para talunin din ang Sixers.

Nagamit ni Jokic ang kanyang patented high arc shot na nagselyo sa kanilang team.

Ang panibagong panalo ng Nuggets ay ikapito na sa dalawa pa lamang na talo.

Habang ang Wolves naman ay lumasap ng kanilang ikaapat na talo.

Ang All-NBA center ay kumamada ng 20 points, six rebounds at seven assists upang tulungan ang Nuggets sa kanilang ikaapat na sunod na panalo na muntik pang makawala.