-- Advertisements --

Nangunguna si 2-time NBA MVP at Denver Nuggets star Nikola Jokic sa tatlong kategorya sa NBA para sa first 20 games ng kasalukuyang season.

Hawak ng 2023 NBA Finals MVP ang may pinakamaraming points, rebounds, at assists, sa unang dalawampung laro ngayong season, kumpara sa iba pang magagaling na players ng liga.

Sa points, mayroon nang 579 points si Jokic. Pangalawa lamang sa kanya ang 2021 NBA Finals MVP na si Giannis Antetokounmpo na mayroong 569 points

Para sa rebounds, mayroon nang 255 rebounds si Jokic, habang ang pumapangalawa sa kanya ay si Anthony Davis na mayroong 249.

Nagagawa ni Jokic na umagaw ng 12.8 rebounds sa kada laro sa nakalipas na unang 20 games ng season.

Umabot na rin sa 196 assists ang nagawa ng big man sa kabuuan ng season. Ang pumangalawa sa kanya ay nakakuha ng 192(Trae Young).

Ngayong season, hawak din ng batikang sentro ang pinakamaraming nagawang triple-double. Umabot na sa walo ang nakuha nitong triple-double performance sa loob lamang ng 20 games.

Ang sumunod sa kanya ay nakagawa lamang ng tatlong triple-double sa pamamagitan ni Dallas star Luka Doncic.