-- Advertisements --
Asahang lalakas pa ang bagyong Nimfa na nananatili sa silangan ng extreme Northern Luzon.
Ayon sa Pagasa, mas titindi pa ang paghatak nito sa habagat kapag nagsanib na ang nasabing sama ng panahon at isang low pressure area (LPA).
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 685 km sa silangan ng Basco, Batanes.
Halos wala pa rin itong gaanong pag-usad sa nakalipas na mga oras.
Taglay ng tropical depression Nimfa ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Habang ang LPA naman na inaasahang sasama sa sirkulasyon ng bagyo ay nasa Mayantoc, Tarlac.