-- Advertisements --

Bahagyang lumakas at bumilis sa nakalipas na magdamag ang tropical storm Nimfa.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 580 km sa silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.

May taglay itong hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.

Kumikilos ang naturang sama ng panahon nang pakanluran sa bilis na 25 kph.

Sa kasalukuyan ay pinalalakas nito ang habagat na nagdadala ng ulan sa Central at Southern Luzon.