-- Advertisements --

Lalakas pa bago tuluyang makakalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Nimfa.

Ayon kay Pagasa forecaster Gener Quitlong, mula sa pagiging tropical depression, aakyat ang bagyo sa tropical storm category mamaya o bukas.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 785 km sa silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Sa ngayon, napakabagal pa rin ng pagkilos ng bagyo, kaya tuloy-tuloy ang paghatak sa hanging habagat na nakakaapekto sa Central at Southern Luzon, pati na sa Western Visayas.

Ang low pressure area (LPA) naman na namataan kagabi sa La Union ay tuluyan nang nalusaw.