-- Advertisements --
Halos hindi nagkaroon ng paggalaw sa nakalipas na magdamag ang bagyong Nimfa.
Ayon sa Pagasa, nangangahulugan ito na magtatagal pa sa Philippine area of responsibility (PAR) ang nasabing sama ng panahon.
Huli itong namataan sa layong 670 km sa silangan ng Basco, Batanes.
May taglay itong 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Samantala, ang binabantayang low pressure area (LPA) sa kanlurang bahagi ng Luzon ay nasa San Jose, Tarlac na ay humahatak pa ng habagat.
Kabilang naman sa apektado ng southwest monsoon ang Central at Southern Luzon, pati na ang Western Visayas.