-- Advertisements --
Lumakas pa ang bagyong Nimfa sa nakalipas na mga oras, bago ang tuluyang paglabas nito sa Philippine area of responsibility (PAR).
Mula sa pagiging tropical depression, naging tropical storm na ito o ikalawang kategorya ng isang sama ng panahon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 735 km sa silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
Gayunman, nananatili itong mabagal at walang gaanong paggalaw sa nakalipas na mga araw.