-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang bagyong Nimfa habang nananatili sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, halos hindi umuusad ang naturang sama ng panahon mula sa lokasyon nito kaninang umaga.
Paliwanag ng weather bureau, nahaharangan ito ng ibang weather system kaya hindi makalabas sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 630 km sa silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 kph malapit sa gitna at may pagbugsong aabot hanggang 115 kph.