-- Advertisements --

Muling bumagal ang usad ng tropical storm Nimfa habang ito ay papalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, kung magpapatuloy ang mabagal na galaw nito, baka mas tumagal pa ito sa loob ng PAR kaysa sa inaasahan.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 620 km sa silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Taglay ng sama ng panahon ang lakas ng hangin na 75 kph hanggang 90 kph.

Samantala, kahit makalabas ng PAR, palalakasin pa rin nito ang habagat na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon.