-- Advertisements --
Napanatili ng bagyong Nimfa ang taglay nitong lakas habang nananatili sa silangan ng Northern Luzon.
Ayon kay Pagasa weather forecaster Anna Clauren, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 745 km sa silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Mabagal pa rin ang pagkilos nito habang patungo sa pangkalahatang direksyon na pahilagang kanluran.
Samantala, ang binabantayang low pressure area (LPA) na namataan kanina sa Central Luzon ay umusad na patungo sa Sto. Tomas, La Union.
Habang ang mga pag-ulang dala ng habagat ay aabot mula sa Central at Southern Luzon, hanggang Western Visayas.