-- Advertisements --

Kuntento na raw sa buhay may-asawa ang former housemate ng isang reality tv show na si Nina Jose kaya kahit namimiss nito ang mundo ng showbiz ay mas gugustuhin na lamang daw niyang mag focus sa kanyang asawa at anak.

Si Nina ay kasalukuyang kasal sa mayor ng Bayambang, Pangasinan na si Cezar Quiambao at biniyayaan din sila ng three-year-old son na si Antonio.

Bukas naman daw ang pintuan ni Nina kung mabibigyan umano siya ng chance na makapag produce ng kanyang sariling pelikula.

Tatlong beses ikinasal sina Ninay at Mayor Cezar.

Una ay sa California. Pangalawa sa huwes at ang huli ay sa St. Vincent’s Parish Church.