-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Mismong si Presidential spokesperson Salvador Panelo ang nagsabi na si dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde umano ang nagsabi na sindikato ang pinaguusapan ngayong hanay ng tinaguriang “ninja cops.”

Nitong Linggo nang dumalo si Panelo bilang guest speakar sa aktibidad ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Isabela kung saan binitiwa nito ang pahayag.

Ayon sa tagapagsalita ng pangulo, sinabihan siya ni Albayalde hinggil sa sabwatan ng police officials sa mga mabababang ranggo na pulis.

Dagdag pa ni Panelo, iginiit ng dating PNP chief ang mga hakbang na ginawa ng pambansang pulisya para matunton ang mga police scalawags na umabot na raw sa 124 na napatay sa gitna ng drug operations.