Naisumite na ng Department of Health (DOH) ang nirepasong COVID-19 protocols sa Palasyo Malacanang.
Ito ang ibinunyag ni Sen. Pia Cayetano sa Senate plenary deliberations sa panukalang pondo ng DOH na P353.260 billion para sa susunod na taon.
Ito din ang naging tugon ng Senadora nang banggitin ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na ilang mg abansa ang nagsasagawa ng pag-review sa covid-19 response.
Saad naman ni Sen. Pia natapos na ng DOH ang pag-review dito at naisumite na a Office of the Executive Secretary.
Inirekomenda din ni Sen. Pia ang paghahain ng resolution at imbitahan ang DOH para ipresenta ang kanilan findings sa naturang report na naglalaman ng technical review ng COVID-19 response at kabuuang halaga ng mga bakuna na nasayang.
Matatandaan na noong Hulyo ay tinangal na PBBM ang state of public health em,ergency sa buong PH dahil sa COVID-19.