Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang isla ng Tonga sa bahagi ng Polynesia ngayong araw.
Sa ulat, ang naturang lindol ay may lalim na 199km sa South Pacific Ocean, nasa 126km ang layo mula sa Neiafu na pangalawa sa pinakamalaking bayan sa Tonga.
Naitala ang epicenter nito sa 125km northwest ng Fangale’ounga, Tonga, habang may lalim naman na aabot sa 218km ang tremor nito.
Samantala, wala namang naitalang pinsala o casualties ang mga otoridad na dulot ng nasabing lindol.
Kaugnay nito ay nag-abiso naman ang mga otoridad na posibleng umabot pa ng ilang oras hanggang sa makapagsagawa ang mga otoridad ng comprehensive damage assessments ukol dito, lalo na sa mga malalayong lugar.
Habang pinaghahanda rin ang mga residenteng nakatira sa mga apektadong lugar sa posibleng mga aftershocks na mararamdaman sa mga susunod na araw.