-- Advertisements --

Isasara muna ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang kanilang outpatient services simula Enero 7.

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Hindi naman nila binanggit kung kailan ito magbabalik.

Paglilinaw din nila na nasa desisyon na rin ng mga doctor kung kanilang itutuloy ang operasyon ng kanilang mga private outpatients clinics.

Lahat aniya ng mga consultations ay isasagawa pansamantala sa Telehealth Services.