Naglunsad na ng sariling imbestigasyon ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) kaugnay sa pagkakasangkot ng head nurse na empleyado umano ng ospital at lider umano ng grupong sangkot sa Kidney trafficking sa Bulacan.
Sa inilabas na statement ng pamunuan ng NKTI, kanilang kinukumpirma kung empleyado talaga ng NKTI ang nasabing nurse.
Nagbabala din ito sa publiko laban sa pinapasok na transaksiyon sa labas ng ospital sa mga pribadong indibidwal, grupo o organisasyon na nagsasabing empleyado sila ng NKTI.
Nilinaw din ng ospital na tanging lehitimong transaksiyon lamang ang kanilang tinatanggap kaugnay sa living organ donation at transplant kabilang ang deceased organ donation.
Inabisuhan din ng NKTI ang kanilang pasyente at stakeholders na bisitahin ang NKTI para sa lehitimo at tamang impormasyon kaugnay sa kanilang mga serbisyo at aktibidad.
Ginawa ng NKTI ang pahayag matapos maaresto ng National Bureau of Investigation ang 3 suspek na sangkot sa kidney trafficking sa San Jose del Monte, Bulacan noong Hulyo 13.
Natukoy ang mga suspek na sina Angela Atayde, Angela Atayde, at Dannel Sicat.
Nabunyag na ang nasabing mga suspek ang nagrerecruit sa trafficked victims at nagaasikaso sa paglilipat ng kidney organ sa mga kliyente kapalit ng P200,000 na bayad.
Nitong Martes, iniharap ni NBI Director Jaime Santiago ang mga suspek sa media sa Dannel Sicat sa Quezon city.
Batay naman sa salaysay ng 2 sa suspek, 1 taon na silang empleyado kung saan ginagawa nila ang kanilang operasyon sa isang ospital sa QC. Subalit bago ito naging organ donor din ang mga ito. Bagamat pinagsisihan nila ang kanilang ginawa, nagawa umano nila ito para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Kasalukuyang pinaghahanap naman ng awtoridad ang sinasabing lider ng grupo na kinilalang si Allan Ligaya na umano’y head nurse ng NKTI.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Expanded Anti Human Trafficking Act partikular na ang organ trafficking.
Samantala, sa ikinasang operasyon, 9 ang biktimang nasagip kung saan 4 sa kanila ang nakuhanan na ng kidney.
Tinurn over naman na ang nasagip na mga biktima sa kustodiya ng Social Workers ng City Social Welfare and Development Office ng SJDM, Bulacan.