-- Advertisements --
Hindi na pinaporma pa ng NLEX Road Warriors ang Rain or Shine 100-97 sa kanilang paghaharap sa nagpapatuloy na PBA Commssioners Cup.
Bumida sa panalo si Olu Ashaolu na nagtala ng 26 points at 13 rebounds habang mayroong 15 points si Jericho Cruz at tig-13 points naman ang naitala nina Kenneth Ighalo at Poy Erram.
Umabot pa sa 17 points ang kalamangan ng NLEX subalit hindi bumitaw ang Rain or Shine at pilit na hinabol ang kalamangan.
Sinabi NLEX coach Yeng Guiao na malaking tulong ang import nila na siyang pumalit kay Tony Mitchell.