Apat na araw ng lubog sa baha ang bahagi ng Tulaoc bridge sa may North Luzon Expressway (NLEx) at inaasahang magpapatuloy pa ito sa susunod na mga araw.
Ayon kay NLEx traffic management head Robin Ignacio, base sa initial assessment nitong araw ng Sabado, Agosto 5, nasa 30 centimeters ang baha sa may northbound side at 35 centimeters naman sa may southbound kung saan nag-peak ang lebel ng tubig baga sa 65 centimeters.
Sa ngayon, umaabot aniya sa 3 kilometers ang heavy traffic sa may tulay na nasa San Simon, Pampanga kung saan napakabagal ng usad ng trapiko habang ang nasa mahigit 9 kilometers naman ang haba ng pila ng mga sasakyan na patungong Manila sa southbound direction.
Posible namang sa susunod pang linggo inaasahang huhupa ang baha sa naturang tulay sa NLEx.
Ang baha sa may Tulaoc Bridge ay dulot pa rin ng mga pag-ulan sa mga nakalipas na araw dala ng mga nagdaang bagyong Egay at Falcon na habagat.