-- Advertisements --

Nabuhay pa ang pag-asa ng NLEX Road Warriors na makapasok sa playoffs ng PBA Sason 49 Commissioner’s Cup.

Kasunod ito sa pagkapanalo nila kontra sa Phoenix Fuel Masters 108-94 sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Nanguna sa panalo ng NLEX si Robert Bollick na nagtala ng 26 points, siyam na rebounds at isang steals habang mayroong 17 points, siyam na rebounds at steal si Jonnel Policarpio.

Mayroon namang 15 points si Tony Semerad habang mayroong 11 points ang naitala ni Rob Herndon.

Pinuri naman ni NLEX head coach Jong Uichico ang mga local players dahil sa kontribusyon nila dahil sa alam nila ang kahalagahan ng nasabing laro.

Nasayang naman ang nagawang 36 points, 14 rebounds ni Donovan Smith ng Fuel Master.