-- Advertisements --

Ilang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link ang isinara ngayong araw kasabay ng isinagawang National Rally for Peace ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo.

Partikular na tinukoy ng NLEX Corporation na isinara ngayong araw para sa mga motorista ang NLEX Harbor Link R10 exit ramp kabilang na ang R10 Road or Mel Lopez Boulevard.

Pinaalalahanan naman nito ang mga motorista na gamitin na lamang ang NLEX Harbor Link C3 exit at NLEX Harbor Link Dagat-dagatan exit.

Batay sa datos na inilabas ng Manila Police District , ngayong araw ay pumalo sa mahigit 1.8 million na mga INC ang lumahok at nagtipon sa Quirino Grandstand.

Panawagan ng grupo ang kapayapaan sa kabila ng mga politikal na bangayan ngayon sa bansa.