-- Advertisements --
Asi Taulava
Asi/ Twitter image

Nagbago ang desisyon ng management ng NLEX Road Warriors at hindi na binitawan pa si Filipino-Tongan player Asi Taulava.

Ang nasabing pagbabago ay kasunod ng unang desisyon ng koponan na ilagay sa unrestricted free agent ang 46-anyos na si Taulava.

Una kasing ipinalit si Papot Paredes na temporaryong papalit kay Poy Erram sa line up dahil sa injury.

Dahil sa pagbabago ay kapwa maglalaro ang dalawa.