-- Advertisements --

Pinahiya ng Barangay Ginebra ang NLEX 100-85 sa kanilang laro sa Batangas City Coliseum sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Naging bida sa panalo ng Gins si Justin Brownlee na nagtala ng 37 points, walong rebounds, pitong assists at limang steals habang mayroong 16 points at walong rebounds si Stanley Pringle na siyang unang laro niya sa koponan mula noong ito ay kinuha sa NorthPort kapalit nina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer.

Dahil sa panalo ay mayroon ng apat na panalo at tatlong talo ang Ginebra habang ang NLEX ay mayroong isang panalo at pitong talo.

Sinabi naman ni Ginebra coach Tim Cone na nahirapan sila sa laro dahil sa bukod sa matinding depensa ng kalaban ay mainit ang gymnasium kung saan sila naglaro.