-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng NLEX Road Warriors ang TNT Tropang 5G 91-74 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Ito na ang dalawang sunod na panalo ng NLEX na mayroong dalawang panalo at isang talo sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Nanguna sa panalo si Robert Bolick na nagtala ng 13 points, walong rebounds, anim na assists at apat na steals habang mnayroong 13 points din si Xyrus Torres.

Nagulat din ang marami dahil sa nagtala ang rookie na si JB Bahio ng 13 points at 12 rebounds.

Umabot pa sa 22 points ang naging kalamangan ng NLEX hanggang ito ay napababa ng TNT.

Naniniwala si NLEX coach Jong Uichico na maaring napagod pa ng bahagya ang TNT mula sa kanilang kampeonato.

Nasayang naman ang ginawang 12 points ni RR Pogoy at 11 points ni Kelly Williams para sa TNT.