-- Advertisements --

Matapos ang maikling stint sa Japan B league ni Robert Bolick ay posibleng makabalik ito sa Philippine Basketball Association matapos maglabas ng trade proposal ang NLEX road warriors.

Sa trade proposal na nai-submit sa PBA commisioners’ office, nais makuha ng Road Warriors ang karapatan ni Bolick kasama si Kent Salado.

Para sa Northport naman, mapupunta sa kanila ang ilang mga beteranong players tulad nina Don Trollano, Kris Rosales at ang pausbong na si Ben Adamos kasama ang 2nd round pick ngayong PBA Draft 2024.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ma-aprobahan ni PBA commissioner Willie Marcial ang trade proposal ng NLEX.

Sakaling maaprobahan ay mapupunan ni Bolick ang pagkawala ng star player ng NLEX na si Kevin Alas na sa ngayon ay nagpapagaling pa mula sa injury habang madadagdagan naman ng solid backcourt ang Nortport sa serbisyo nina Trollano at Rosales.

Ang koponan ay nagtatangkang palakasin ang kani-kanilang mga kampanya sa 2023-24 PBA Commissioner’s Cup at mga susunod na kumperensya.