-- Advertisements --

Naitabla na ng NLEX Roadwarrios sa 1-1 ang best of five quarterfinals nila ng TNT 93-90 sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup.

Nanguna sa panalo ng NLEX si import DeQuan Jones, na nagtala ng 38 points, 12 rebounds habang mayroong 16 points at limang assists si Robert Bolick sa laro na ginanap sa Santa Rosa, Laguna.

Naging mahigpit ang laban ng dalawa dahil sa pagtatapos ng first half ay nagtapos sa 40-40 ang nasabing laban.

Nasayang naman ang naitalang 22points at 22 rebounds ni Rondae Hollis-Jefferson ng ito ay ma-fouled out sa natitirang tatlong segundo ng laro.