-- Advertisements --

Tiyak na ang pagpasok sa quarterfinals ng NLEX Road Warriors matapos talunin sa overtime 103-99 ang Barangay Ginebra sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Mayroon ng limang panalo at limang talo ang Road Warriors sa Group B para makuha ang huling puwesto sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo ng NLEX si import DeQuan Jones na mayroong 44 points, 10 rebounds habang si Robert Bolick ay mayroong 16 points, 11 assists at pitong rebounds at 12 points naman si Anthony Semerad.

Inamin ni NLEX coach Jong Uichico na kontrolado nila ang regular regulations subalit naging maganda ang adjustments ng Ginebra kaya umabot sa overtime.

Komportable na ang NLEX sa 92-85 na kalamangan nila sa loob ng 2:14 hanggang hinabol ng Ginebra sa pamamagitan ni Justin Brownlee.

Nasayang ang nagawang 26 points, 12 rebounds, apat na assists, dalawang steals at dalawang blocks habang si Aguilar ay mayroong 22 points at siyam na rebounds.

Mayroon ng anim na panalo at apat na talo ang Gin Kings.