-- Advertisements --
Pinayuhan ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta dahil isasara ang mga bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) sa ilalim ng Marilao Interchange Bridge Northbound para sa isasagawang repair maintenance ngayong linggo.
Ayon sa NLEX Corporation, magsisimula ang repair mula Marso 24, alas-1 ng hapon, hanggang Marso 28, ng alas-11 ng gabi.
Magbubukas din ng zipper lane sa southbound direction kung okay ang kondisyon nito.
Habang pinapayuhan din ang mga motorista na magplano ng kanilang mga ruta nang naaayon upang maiwasan ang mga abala sa biyahe.