-- Advertisements --
Pinag-aaralan na ng NLEX Corp. ang operator ng North Luzon Expressway (NLEX) ang pangawan ng Department of Transportation (DOTr) na huwag munang maningil sa mga naapektuhang lugar ng matindinding trapiko matapos na masira ang bahagi ng Marilao Interchange Bridge.
Ayon sa kumpanya na kanilang tinitimbang pa ang nasabing panawagan na ito ng DOTr.
Natitiyak naman nila na ginagawan na nila ng paraan para maging banayad ang daloy ng trapiko sa lugar.
Magugunitang nitong Huwebes ng masira ang nasabing tulay matapos na ito ay mabangga ang isang truck.
Dahil dito ay nagresulta ito sa mahabang trapiko sa mga motorista na patungo sa norte.
Aabot aniya sa hanggang tatlong linggo bago tuluyang maaayos ang nasabing tulay.