-- Advertisements --

Pinalawig pa ng NLEX Road Warriors hanggang Disyembre ang kontrata ng beteranong player na si Asi Taulava at Cyrus Baguio.

Sinabi ni NLEX assistance vice-president Ronald Dualtre, na kabilang pa rin ang 47-anyos na si Taulava sa Philippine Cup na magsisimula sa Oktubre.

Nauna ng nagdesisyon si Taulava na tatapusin na lamang nito ang season bago tuluyang magretiro subalit ito ay nabago dahil sa coronavirus pandemic.

Magugunitang pinalawig ng tatlong taon ang kontrata nina Kiefer Ravena at Kevin Alas.