-- Advertisements --
Tinapos na ng NLEX ang anim na sunod na pagkatalo matapos na talunin ang Meralco Bolts 100-91 sa nagpapatuloy na 2019 PBA Commissioner’s Cup.
Pinangunahan ni Tony Mitchell ang panalo na nagtala ng 32 points at 20 rebounds habang mayroong 16 points, anim na assists si Jericho Cruz.
Umabot pa sa 23 points ang lamang ng NLEX pagpasok ng third quarter haban ito na rin ang pangatlong sunod na pagkatalo ng Bolts na maroon ng 3-5 win-loss records.
Ikinatuwa naman ni NLEX coach Yeng Guiao ang panalo dahil ito na ang hinihintay nilang panalo at tiniyak nito na mauulit pa ang nasabing panalo.