-- Advertisements --
Tiniyak ng pamunuan ng NLEX-SCTEX na handang-handa sila sa buhos ng mga motoristang babyahe ngayong panahon ng holiday.
Katunayan ay nagdagdag pa sila ng mga tauhan para umasiste sa mga motorista.
Ayon sa pamunuan, ito ay bahagi lamang ng “Safe Trip Mo, Sagot Ko” motorist assistance program.
Sa ilalim ng programang ito ay aabot sa 1,500 personel ang idedeploy sa buong expressway sa kabuuan ng holiday season.
Layon ng hakbang na ito na matiyak na matutugunan ang siksikan ng traffic ngayong weekend hanggang sa unang linggo ng buwan ng Enero sa susunod na taon.