-- Advertisements --
Hindi makakasama ng NLEX Road Warriors sa pagsisimula ng PBA bubble game ang beteranong player nila na si Larry Fonacier.
Ayon kay NLEX coach Yeng Guiao, nagpaalam umano ito na hindi makakapaglaro dahil may iniindang sakit ang asawa nito.
Dahil sa prioridad sa koponan ang pamilya kaya pinayagana nila ito.
Itinuturing kasi na isang malaking tulong sa koponan si Fonacier.
Magugunitang magsisimula ang bubble format ng PBA sa Setyembre 26 kung saan ipagpapatuloy naman sa Oktubre 9 ang 45th season ng PBA na ipinagpaliban noong Marso dahil sa coronavirus pandemic.