-- Advertisements --

Mas hihigpitan at paiigtingin pa ang New NAIA Infra Corp (NNIC) ang pagpapatupad ng seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang maiwasan muling mangyari ang hindi umano’y tanim-bala incident noong ika-anim ng Marso.

Ayon sa NNIC, patuloy ang kanilang pakikipagugnayan sa Office for Transportation Security (OTS) para sa reinforcement ng security monitoring sa naturang paliparan.

Binigyang diin din ng NNIC na prayoridad ng kanilang pamunuan ang pagpapanatili ng isang ligtas at episyenteng environment sa lahat ng pasahero nito.

Maiban sa security monitoring ay papaigtingin din ng NNIC ang pagpapatupad ng mga proper screening procedures, at transparency sa mga operasyong ikakasa sa paliparan.

Samantala, ayon naman sa Department of Transportation (DOTr), magpapatupad at magtatalaga sila ng isang emergency hotline kung saan makkapagreport ang mga pasahero ng kanilang mga natatanggap na mistreatment at disrespect mula sa mga kawani ng OTS.