NAGA CITY – Tila nasapawan ngayon ng NBA games ang pangunahing laro sa Canada na hockey.
Sa report ni Bombo international correspondent Leandro Dela Peña, sinabi nitong ang hockey ang nangunguna sa pinakamalaki at pamosong laro sa lugar na madalas abangan ng mga Canadians.
Ngunit matapos aniyang makapasok ang Toronto Raptors sa NBA Finals, tila naagaw nito ang atensyon ng buong bansa.
Aniya, kinokonsidera kasi ng mga Canadian’s na record breaking ang pagkakapasok ng Raptors sa NBA finals lalo na at ito lamang ang tanging Canadian team na nakaabot sa naturang lebel.
Kaugnay nito, kapansin-pansin aniya ang suporta ng buong Canada sa Raptors habang umaasa aniya ang lahat na maagaw ng naturang koponan ang pagiging kampeon sa NBA sa kamay ng Golden State Warriors ngayong taon.