-- Advertisements --
LEGAZPI CITY — Arestado ang dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isinagawang operasyon sa San Pascual, Masbate.
Kinilala ang suspek na si Michael Rectin, 39-anyos at residente ng Barangay Laurente ng nasabing bayan.
Batay sa isinilbing warrant of arrest, si Rectin ay nahaharap sa kasong murder.
Ayon sa San Pascual Municipal Police, katuwang nila sa pagsisilibi ng warrant ang mga tauhan din ng Compostela Valley Provincial Police Office.
Napag-alamang pangalawa si Rectin sa provincial most wanted list ng Compostela Valley.
Sa ngayon, nananatili muna ito sa kustodiya ng San Pascual PNP bago dalhin sa Compostela Valley.