Naging palaisipan sa mga basketball fans ngayon kung ano ang gagamiting numero ni Los Angeles Lakers star LeBron James sa susunod na season matapos na ipinasa na niya kay Anthony Davis ang jersey No. 23.
Suot na kasi ni Davis ang No. 23 sa pitong taon niyang paglalaro sa New Orleans Pelicans habang suot naman ni James ang numero sa 11 seasons nito sa Cleveland Cavaliers at ibinalik noong lumipat sa Lakers.
Habang noong 2010 ay pinili ni James ang No. 6 jersey ng maglaro ito sa Miami Heat sa apat na season.
Maraming mga basketball fans ang nagbigay ng mgasuhestyon sa bagong numero na maaaring gamitin ng NBA superstar sa kanyang jersey.
Kung maaalala niretiro na kasi ng Lakers ang mga sumusunod na numbers na kinabibilangan ng 8 at 24 na ginamit ni Kobe Bryant, 13 ni Wilt Chamberlain, 22 ni Elgin Baylor, 25 ni Gail Goodrich, 32 ni Magic Johnson, 33 ni Kareem Abdul-Jabbar, 34 ni Shaquille O’Neal, 42 ni James Worthy, 44 ni Jerry West at 52 ni Jamaal Wilkes.
Nakatakdang i-formalize ng Lakers ang trade nila kay Anthony sa July 6 kapalit nina Lonzo Ball, Brandon Ingram, Josh Hart at tatlong first-round draft picks.
Samantala, sa pinakabagong trade ay nakuha naman ng Washington Wizards ang ilang manlalaro ng Lakers na sina Jemerrio Jones, Isaac Bonga at Mortiz Wagner.