Pumanaw na ang kilalang bilyonaryong negosyante sa bansa na si John Gokongwei sa edad 93.
Ayon sa anak nito na si Lance Gokongwei, dakong 11:41 nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 9 ay nalagutan na ng hininga ang nakakatandang Gokongwei sa Manila Doctor’s Hospital.
Nasa pangatlong puwesto sa Forbe’s richest Filipino in 2019 na may kabuuang yaman na mahigit $5.8 billion.
Siya ang founder ng JG Summit, na nangunguna sa air transportations, telecommunications, banking , food, power at property.
Itiniguyod niya ang Universal Robina Corporation noong 1957 bilang cornstrach plantation hanggang lumago na ito na gumagawa ng pagkain at inumin.
Noong ito ay naging 80 anyos ay ibinigay niya ang P20 billion o kalahati ng kaniyang shares sa JG Summit Holding sa foundation ng kanilang kumpanya.
Hawak na ngayon ng kaniyang mga anak ang negosyo ng kanilang ama.