-- Advertisements --
LA UNION – Inaresto nang pinagsamang puwersa ng Bauang Police at Rosario, Batangas Police ang number 5 most wanted person ng municipal level sa Barangay Baccuit Norte, sa bayan ng Bauang, La Union.
Nakilala ang suspek na si Limuel Marasigan, 33, binata, walang trabaho, tubong Barangay Bagong Pook, Rosario, Batangas at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Pagdalagan Sur sa bayan ng Bauang sa lalawigan.
Una rito, nagpalabas ng warrant of arrest si Rose Marie Manalang-Austria ng Regional Trial Court Branch 87 ng Rosario, Batangas dahil sa kasong attempted murder na may petsang August 28, 2018.
Sa ngayon, nakakulong pa sa Bauang detention cell ang suspek habang inaaantay ang resolusyon ng korte sa paglipat nito ng kalungan.