-- Advertisements --

Iniretiro na ng San Antonio Spurs ang No. 9 jersey ng point guard na si Tony Parker nitong Nobyembre 11 sa AT&T Center, San Antonio, Texas.

Si Parker, na nagretiro bago mag-umpisa ang 2019-20 NBA season, ay nagwagi ng apat na championships sa 17 season kasama ang Spurs.

Naging bahagi rin ito ng tinaguriang “Big 3” kasama sina Tim Duncan at Manu Ginobili na parehong retirado na rin ang mga numero.

Muling nagsama-sama ang tatlo sa ginanap na jersey retirement ceremony kasama si head coach Gregg Popovich.

Naglista ng average si Parker ng 5.5 points, 5.6 assists at 2.7 rebounds sa kanyang career.

Si Parker din ay isang six-time All-star, four-time All-NBA selection, at Finals MVP nang magwagi ang Spurs sa NBA championship noong 2007.