Itinakda na ng San Antonio Spurs ang retirement ceremony sa No. 9 jersey ni Tony Parker sa November 11.
Ang naturang seremonyas ay itataon sa harapan ng Spurs ng Memphis Grizzlies.
Si Parker ang magiging ika-10 player sa franchise history ng Spurs na itaas ang numero sa rafters kung saan mapapabilang an rin siya sa mga NBA greats na sina Bruce Bowen (12), Tim Duncan (21), Sean Elliott (32), George Gervin (44), Manu Ginobili (20), Avery Johnson (6), Johnny Moore (00), David Robinson (50) at James Silas (13).
sa 17 seasons ni Parker sa San Antonio, nagawang matulungan niya ang Silver and Black upang masungkit apat na NBA championships.
Siya rin ang kinilalang 2007 NBA Finals MVP, para tanghalin siya bilang unang European Finals MVP sa kasaysayan.
Ang point guard mula sa France ay dating four-time All-NBA performer (2009, 2012, 2013, 2014) at six-time NBA All-Star (2006, 2007, 2009, 2012, 2013, 2014) habang nasa Spurs.
Si Parker din ay isa sa limang players sa NBA history na pomoste ng 19,000 points at 7,000 assists kasama sina NBA legends Oscar Robertson, John Stockton, Gary Payton at si LeBron James.