-- Advertisements --
Palaro presscon briones deped
DepEd Secretary Leonor Magtolis-Briones during the press conference on the 2019 Palarong Pambansa

All systems go na ang iba’t ibang mga komite at sports officials na siyang mamamahala sa mga events sa gagawing 2019 Palarong Pambansa na magbubukas sa Sabado sa Davao City.

Sa inilabas na DepEd memorandum, pinaalalahanan ni DepEd Secretary Leonor Magtolis-Briones ang lahat ng mga miyembro ng management working committees at mga officiating officials sa mga laro ng mga batang atleta na mahigpit na oobserbahan ang “no alcohol, no smoking at no gambling” sa kabuuan ng Palaro hanggang Mayo 4.

Nagbanta pa si Briones na papatawan ng mabigat na parusa ang lalabag sa kanyang kautusan.

“All members of the Management Working Committees (MWC) and the officiating officials shall observe the “no alcohol, no smoking at no gambling” policies of this Department for the duration of the 2019 Palarong Pambansa. Violators shall be dealth with accordingly,” bahagi ng memorandum ni Sec. Briones.

Samantala, kabuuang 21 mga regular sports ang lalaruin sa edisyon ngayon ng Palarong Pambansa para sa elementary at high school students.

Nasa 160 gold medals ang nakataya sa elementarya at 234 naman gold medals sa sekondarya.

Liban sa regular sports, meron ding tatlong demonstration sports, special games, at tampok din ang indigenous sports o Larong Pinoy na gagawin sa unang pagkakataon.

Halimba na rito ay ang kadang-kadang, patintero, hilahang lubid, karera ng sako at iba pa.

Pero sinabi sa Bombo Radyo ni OIC-Usec. Revsee Escobedo, ang chairman ng National Executive Committee, ang naturang traditional Pinoy games ang kasali lamang na lalaro nito ay mga DepEd officials at sports officials.

Bombo Radyo interview with DepEd Usec. Revsee Escobedo, chairman, 2019 Palarong Pambansa National Executive Committee