-- Advertisements --
Nagpapatuloy pa rin ang enrollment ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa na sinimulan noong Hulyo 3 na magtatapos sa Hulyo 26.
Kaugnay nito ay muling nagpaalala ang Department of Education na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapatupad ng ‘No collection policy’.
Sa naging pahayag ni Education Undersecretary Michael Poa, hindi dapat maningil na anumang bayarin ang mga kinatawan ng paaralan sa mga magulang ng bata na magpapatala sa kanilang anak.
Hinimok rin ng opisyal ang mga magulang na kaagad na ipagbigay alam sa kanilang ahensya ang anumang klase ng paniningil na kanilang namomonitor para sa kaukulang aksyon.
Aniya, bumisita lamang sa kanilang mga division office, regional office at central office ng ahensya.