Malakas umano ang kutob ni Venezuelan opposition leader Juan Guaido na huhulihin ito ng mga otoridad sa sandaling makabalik na ito sa kanilang bansa.
Kasabay ito ng kanyang anunsyo na nais nitong magbalik sa Venezuela matapos ang kanyang pag-iikot sa mga bansa sa Latin America upang kumalap ng suporta.
Ayon sa kanyang tagapagsalita, kung hindi ngayong araw, posibleng makarating sa Venezuela si Guaido sa araw ng Martes, kasabay ng taunang Carnival celebrations.
Nakatakda rin daw nitong pangunahan ang panibagong mga protesta upang puwersahin si President Nicolas Maduro na magbitiw na sa puwesto.
Una rito, nilabag umano ni Guaido ang umiiral na travel ban na ipinatupad ng Supreme Court.
Ito’y matapos na tumawid ang tumatayong interim president sa border patungong Colombia upang makipag-ugnayan sa pagpasok ng humanitarian aid sa Venezuela.