DIPOLOG CITY – Umani ng iba’t ibang reaksyon ang ipinalabas na pahayag ng Gobernador ng Misamis Occidental hinggil sa 328 na mga seafarers mula sa Maynila na nakatakdang dumaong sa pantalan ng Ozamis.
Sinabi ni Gov. Philip Tan, hindi umano pinapahintulutan ang pagdaong at pagpababa ng mga pasahero mula sa barko.
Katuwiran nito wala umanong clearance mula sa probinsya ng Misamiss Occidental at sa LGU ng Ozamis ang naturang barko kung saan lulan ang mga nabanggit na indibidwal.
Dagdag pa nito, hindi umano sila sinabihan hinggil sa naturang hakbang at hindi rin umano nila alam ang health records at status ng mga ito.
Kaya’t napagdesisyunan umano nito at ng mayor ng Ozamis na si Mayor Ando Oaminal na huwag pahintulutan ang pagbaba ng mga pasahero, ngunit gayunpaman magpapadala na lang umano ito ng pera sa pamamagitan ng mga kaanak ng mga seafarers bilang supporta ay upang hindi magutom.
Napag-alaman na lima sa mga ito ay uuwi ng Ozamis City at ang iba naman ay sa Lanao at Zamboanga del Sur.
Siniguro naman ng opisyal na mapapauwi ang mga seafarers ngunit ito ay magbabase sa kanilang inilatag na protocols at guidelines upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.
Nanawagan naman ito na huwag gawing basehan ang hakbang na kanilang ginawa upang sabihing ito ay isang diskriminasyon sa mga repatriated OFW at nanindigan na ang no entry policy ay para hindi sumusunod sa guidelines ng probinsya.