Hindi na palalawigin pa ng Department of Transportation ang deadline ng consolidation ng public utility vehicles para sa jeepney modernization program.
Matapos na pinagbigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahilingan ng mga jeepney drivers at operators na palawigin pa ang deadline ng PUV consolidation.
Ayon kay Bautista na sapat na ang tatlong buwang extension para sa makatalima sa programa at makasama sa mga kooperatiba o korporasyon.
Dagdag pa ng kalihim na nasa 76% na ang nakapag-consolidate sa buong bansa kaya masasabi umano itong sapat na para ipatupad ang program.
Inaasahan naman ng departamento na tataas pa hanggang 85% ang rate ng mag-consolidate pagkatapos ng panibagong deadline ng extension sa April 30.
Una rito, pinagtibay ng House Committee on Transportation ang resolusyon upang ikonsidera ang pagpapalawig pa ng PUV consolidation.
Inaprubahan ng House panel na pinamumunuan ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop ang resolusyon na humihikayat kay Pangulong Marcos na i-extend ang consolidation period hanggang hindi nagkakaroon ang gobyerno ng konkretong plano para matugunan ang mga pangunahing isyu sa PUV Modernization Program.