-- Advertisements --

ILOILO CITY- Muling ipinapatupad ang ‘no facemask, no entry’ sa Iloilo City Hall.

Ito ay kasunod ng muling pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ipinatupad ang policy upang mabigyan ng proteksiyon ang mga empleyado at ang mga may transaction sa City Hall.

Aniya, pinapasigurado lang ng local government na tuluy-tuloy ang serbisyo ng lungsod.

Nilinaw naman ng alkalde na sa labas ng City Hall, maaring hindi na magsusuot ng face mask ang mga empleyado.

Napag-alaman na si Treñas ay kakabalik lang sa trabaho matapos na-admit sa ospital dahil nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019.