Abiso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga riding public na “no fare guide – no fare increase” kapag hindi nakapaskil ang bagong fare matrix sa mga public utility jeepney at public utility buses.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada ng LTFRB, hanggang sa ngayon wala pang PUJ operator ang nakabayad at nag proseso ng kanilang application for fare hike.
Sinabi ni Lizada dapat muna magbayad ang mga PUJ operator ng P520 bawat Certificate of Public Convinience (CPC) para sa fare hike plus P50 bawat unit para sa fare guide, ibig sabihin nasa kabuuang P570 ang babayaran sa bawat isang PUJ unit.
Para sa mga buses naman, provisional ang pamasahe kaya P50 per unit ang bayad.
Sa ngayon may ilang provincial buses operator na ang nag process ng kanilang application pero hindi pa lahat.
Sa datos ng LTFRB ang estimate number ng PUJ sa central office ay nasa 10,000 units, habang dito sa NCR ay nasa 45,000.
Pahayag ni Lizada, epektibo November 2,2018 ang fare increase sa mga jeepney at bus.
Sampung piso na ang minimum fare sa mga pampasaherong jeep.
Habang sa mga air conditoned bus ay nasa P13 na ang minimum fare at P12 para sa mga ordinary bus.