-- Advertisements --

Nagpatupad ng bagong restricted “national defense airspace” ang Federal Aviation Administration (FAA) sa bahay ni Democratic presidential candidate Joe Biden sa Wilmington, Delaware.

Ayon sa FAA, ang one mile radius no-fly zone ay magiging aktibo hanggang sa araw ng Miyerkules, Nobyembre 11.

Naglagay din ng flight restriction sa Chase Center, ang lugar kung saan maaring gawin ang victory speech ni Biden sakaling magwagi ito sa pagkapangulo ng US.

Paglilinaw ng FAA, ang flight restrictions ay standard security protocols para sa mga party’s nominee sa pagkapangulo.

Ang kasalukuyang pangulo ay mayroong 30-mile ring of roving restricted airspace sa lahat ng biyahe mula sa capital ng bansa.

Bukod sa filght restrictions ay nagdagdag sila ng mga secret service agents bilang paghahanda sa posibleng pagkapanalo ni Biden sa pagkapangulo ng Amerika.