-- Advertisements --
armchair

ILOILO CITY – “Nakatutulong sa pag-aaral ng mga estudyante ang binibigay na homework o assignment.”

Ito ang reaksyon ni assistant regional director Victor De Gracia Jr. ng Department of Education-Region 6 sa isinusulong na no homework policy sa kongreso.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay De Gracia, sinabi nito na bilang isang homeroom teacher noon, nauunawaan niya kung gaano kahalaga ang homework sa school performance ng isang estudyante.

Ayon kay De Gracia, ang paggawa ng homework ay makakatulong sa pag-unawa ng isang estudyante sa laman ng itinuturong leksyon.

Maliban dito, ito ay paraan din upang mag-bonding ang magulang at anak.

Dagdag pa ni De Gracia, tuturuan umano ng no homework policy ang mga bata na maging tamad sa pag-aaral.